"Ang Mga Karapatang Pantao At Katayuan Ng Pamilya"

 

Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao sa Ontario ay nagbibigay ng patas na mga karapatan at pagkakataon, at kalayaan mula sa diskriminasyon batay sa iba’t-ibang mga dahilan. Kinikilala ng Alintuntunin ang karangalan at kahalagahan ng bawat tao sa Ontario, sa pagtratrabaho, pabahay, mga pasilidad at mga serbisyo, mga kontrata, at pagiging miyembro sa mga unyon, kalakalan o samahan ng bokasyonal. Prinoprotektahan ka ng Alintuntunin mula sa diskriminasyon sa mga lugar na ito batay sa iyong katayuan ng pamilya. Bilang unang hakbang sa pag-iwas ng diskriminasyon, kailangang kilalanin ng mga tagapag-empleyo, mga tagapagbigay ng serbisyo, mga may-ari ng lupa at ng publiko ang mga isyu sa mga karapatang pantao batay sa katayuan ng pamilya. Kung ang kanilang mga pangangailangan ay hindi kinikilala o sinusuportahan, ang mga tagapag-alaga ng pamilya ay karaniwang humaharap ng mga hadlang sa pagkuha ng pabahay, mga trabaho, at mga serbisyo.

Ito’y lalong nakakaapekto sa mga kababaihan na nagbibigay ng karamihan sa pangangalaga sa ating lipunan, at mga pamilya na mababâ ang kinikita, na maaaring walang mga sigurong trabaho at nahihirapang makakuha ng mga abot-kayang serbisyo o pabahay. May panahon sa ating buhay karamihan sa atin ay mangangailangan magbigay o makakatanggap ng pangangalaga at kakailanganin natin matugunan ang ating mga karapatan sa katayuan ng pamilya. Ang mga tagapagbigay-alaga sa pamilya ay protektado rin mula sa diskriminasyon at panliligalig na may kinalaman sa ibang mga bagay ng Alintuntunin, kabilang ang kapansanan, katayuan ng kasal, kasarian sekswal na oryentasyon, lahi, kulay, ninuno, relihiyon, edad at pagtanggap ng tulong panlipunan. Ang proteksyon na ito ay umaaplay kahit na ang tagapagbigay-alaga ay may kaugnay lamang sa taong kinilala dahil sa isa sa mga dahilang ito. 




Comments

Popular posts from this blog

Aking Tunay Na Kaibigan