Posts

Showing posts from October, 2020

KALAYAAN AY TUNGO SA BANSANG MALAYA NAGBABAYANIHAN, AT LIGTAS

Image
  Ang  kalayaan  ay isang salita na   hinahangad ng bawat  isa para sa  isang buong kapayapaan . Ito ay isang napakahalagang  karapatan ng bawat tao. Ang  kalayaan   ay binubuo ng kalayaan ng kalooban at ito ay salungat ng determinismo. Sa usaping  politikal , ang kalayaan ay binubuo ng panlipunan at pampulitikal na kalayaan na tinatamasa ng lahat.   Ang pagiging malaya ay isang katangian ng pagiging makapangyarihan, may sariling kapasiyahan nang walang anumang pinapangambahan, hindi nakasandig, umaasa o nakatali sa iba, matatag at taas noong ipinaglalaban ang pansariling kapakanan at kagalingan para sa lahat. Walang nangingibabaw o nakapangyayari sa iyong mga karapatang pantao.    Kung matiwasay ang iyong kalooban, hindi mo lalagyang ng katakot-takot na kandado ang iyong mga pintuan, ang padilimin ang iyong mga durungawan ng mga rehas na bakal na mistulang nakabilanggo ka sa iyong tahanan. At sa iyong araw-araw nang pagpa...