KALAYAAN AY TUNGO SA BANSANG MALAYA NAGBABAYANIHAN, AT LIGTAS
Ang kalayaan ay isang salita na hinahangad ng bawat isa para sa isang buong kapayapaan. Ito ay isang napakahalagang karapatan ng bawat tao.
Ang kalayaan ay binubuo ng kalayaan ng kalooban at ito ay salungat ng determinismo. Sa usaping politikal, ang kalayaan ay binubuo ng panlipunan at pampulitikal na kalayaan na tinatamasa ng lahat. Ang pagiging malaya ay isang katangian ng pagiging makapangyarihan, may sariling kapasiyahan nang walang anumang pinapangambahan, hindi nakasandig, umaasa o nakatali sa iba, matatag at taas noong ipinaglalaban ang pansariling kapakanan at kagalingan para sa lahat. Walang nangingibabaw o nakapangyayari sa iyong mga karapatang pantao.Kung matiwasay ang iyong kalooban, hindi mo lalagyang ng katakot-takot na kandado ang iyong mga pintuan, ang padilimin ang iyong mga durungawan ng mga rehas na bakal na mistulang nakabilanggo ka sa iyong tahanan. At sa iyong araw-araw nang pagpasok sa trabaho at pagganap ng tungkulin, hindi ka nangangamba sa mga taong kahalubilo mo na ikaw ay mabiktima ng kanilang mga karahasan.
Subalit kung ganito ang nananaig sa iyong mga ligalig, pagkatakot, mga pangamba, at kawalan ng katarungan sa iyong kapaligiran. Ang kalayaan ang nagpapatunay na walang mahirap o mayaman lalot higit ang pagkapantay-pantay ng mga katayuan natin sa buhay. Walng maaring magmanipula at mag-utos sa mga kalayaan nating gawin. Pero pakakatandaan na ang kalayaan ay hindi maaaring nakakasakit o nagdudulot ng kapinsalaan sa lahat. Sa isang bansa na ang pamahalaan na may isang demokrasyang pamamahala ay nakabatay ang pamamahala sa mga tao na tinatawag na pamahalaan maging ito man ay sosyal o political.

Comments
Post a Comment